^

Police Metro

Bagong patakaran ng BuCor picture muna bago dalaw

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Lilitratuhan muna ang sinumang nais na dumalaw sa kanilang kaanak na inmate sa New Bilibid Prison (NBP) sa  Muntinlupa City bilang bahagi ng paghihigpit.

Ito ang inihayag ng pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) upang ilagay ang mga dumadalaw sa kanilang database.

Sinabi ni NBP Supt. Richard Schwarzkopf Jr., ang bago aniyang sistema ay bahagi ng kanilang ipinapatupad na paghihigpit sa seguiridad kasunod ng isinagawa nilang “Oplan Galugad Operation”, na kung saan nakasamsam sila ng maraming kontrabando sa mga selda ng mga preso.

Layunin ng bagong sistema ay upang malaman kung may nagpapanggap lang na dalaw, na posibleng ito ang ginagamit para magpuslit ng kontrabando sa loob ng bilangguan.

Noong Huwebes (Disyembre 24, 2015) ay pinasimulang ipatupad sa mga dalaw ang naturang sistema.

Ayon sa NBP,  magpapakita lamang ng valid ID ang isang dadalaw at kapag nasa listahan sila ay maaari ng papasukin.

Kung wala naman sa listahan, hihingi muna ng visitor’s request at ipapa-apruba ito sa superintendent.

Maaari din aniyang mag-email sa [email protected]  o mag-fax ng request sa 8098588 ang nais duma­law para payagan silang makadalaw at mabilis naman ang pagproseso dahil nasa 15 computer ang ginagamit ng NBP.

Magkakaroon lamang ng problema ang isang dalaw kapag hindi valid ID ang kanilang ipiprisinta.

Base sa tala ng NBP humigit kumulang sa P4,000 katao ang duma­law sa NBP para ipagdiwang ang Araw ng Pasko.

ACIRC

ANG

ARAW

AYON

BUREAU OF CORRECTIONS

MUNTINLUPA CITY

NBP

NEW BILIBID PRISON

NOONG HUWEBES

OPLAN GALUGAD OPERATION

RICHARD SCHWARZKOPF JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with