^

Police Metro

Petisyon uli vs Duterte inihain sa Comelec

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang panibagong petisyon ang muling inihain sa Comelec para hilingin na kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ang petisyon ay inihain ni John Paulo Delas Nievas ng University of the Philippines-Diliman Student Council na kung saan ay iginiit nito na hindi valid ang substitution ni Duterte dahil kwestiyonable ang certificate of candidacy ni Martin Dino.

Hindi naman umano maituturing na bonafide candidate si Dino dahil ang ginawa nitong paghahain ng COC ay malinaw na pagpapaikot lamang sa batas sa eleksyon para maipilit ang kandidatura ni Duterte.

Ang posisyon din umano para sa substitution ni Duterte ay kaiba sa posisyon na nais na takbuhan ni Dino, ito ay ang pagiging alkalde sa Pasay.

Magugunita na una nang naghain ng petisyon ang isang brodkaster sa Davao na sinundan ni Rizalito David.

ANG

COMELEC

DAVAO

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DINO

DUTERTE

ISANG

JOHN PAULO DELAS NIEVAS

MARTIN DINO

RIZALITO DAVID

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES-DILIMAN STUDENT COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with