^

Police Metro

Badjao inaresto habang dala ang fetus sa pamamasko

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dinampot ng mga otoridad ang isang ginang matapos na makuhanan ito ng isang lalaking fetus na dinadala niya habang nanghihingi ng pamasko sa mga residente sa kahabaan ng Mother Ignacia Avenue, Quezon City.

Ang ginang ay nakila­lang si Ernesta Mercare, isang Badjao na  lumuwas lamang ng Maynila para manghingi ng Pamasko.

Batay sa ulat,dakong alas-10:00 ng umaga sa kanto ng Scout Borromeo ay dinampot ng Barangay South Triangle sa pamumuno ni Pamela Maracha ang ginang nang makara­ting sa kaalaman nila na isang ginang na may kasama pang ibang miyembro ng Badjao ang may bitbit ng fetus habang nanghihingi ng pamasko sa kalye.

Nakuha sa ginang ang nangangamoy at  na­agnas na fetus na nakabalot sa papel at nakalagay sa loob ng isang plastic box na ipinapakita sa bawat taong hinihingan nito ng pamasko o limos.

Ayon sa  isang social worker, pinalalagay ng mga Badjao na  suwerte sa kanila ang dala ng nasabing fetus kung kaya hindi nila ito itinapon, pero maaring magdulot ng masama sa kanilang kalusugan lalo na at na­agnas na ito.

Sinamahan ng mga social worker ang ginang sa pagdadala ng fetus sa Laguna upang doon ito ilibing.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BADJAO

BARANGAY SOUTH TRIANGLE

BATAY

ERNESTA MERCARE

MOTHER IGNACIA AVENUE

PAMELA MARACHA

QUEZON CITY

SCOUT BORROMEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with