^

Police Metro

AFP alerto sa anibersaryo ng NPA

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nakaalerto pa rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kabila ng implementasyon ng 12 araw na unilateral ceasefire kaugnay ng pagdaraos ng ika-47 taon bukas ng New People’s Army (NPA). 

Ayon kay AFP Spokesman Col. Restituto Padilla, binigyan na nila ng direktiba ang tropa ng mga sundalo lalo na sa mga kanayunan na manatiling vigilante kontra sa mga patraydor na pag-atake ng NPA rebels.

Anya, bagaman  umiiral ang 12 araw na unila­teral ceasefire sa pagitan ng magkabilang panig ay nasa ‘defensive mode’ ang AFP troops laban sa pananabotahe sa tigil-putukan ng komunistang grupo.

Nangangahulugan ito na gagamitin lamang nila ang kanilang mga armas kapag ang NPA rebels, ang armed wing ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang nanguna sa pag-atake.

Ang unilateral ceasefire ng AFP ay nag-umpisa dakong alas-12:01 ng madaling araw nitong Disyembre 23 at magtatapos dakong alas-11:59 ng gabi sa Enero 3 ng susunod na taon.

ACIRC

ANG

ANYA

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

DISYEMBRE

ENERO

NEW PEOPLE

RESTITUTO PADILLA

SPOKESMAN COL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with