37 pamilya nasunugan ng bahay
MANILA, Philippines – Sa kalsada posibleng magpasko ang 37 pamilya matapos masunog ang kanilang mga bahay kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Batay sa ulat, dakong alas-9:26 ng gabi nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang James Minaling sa #4965 panulukan ng Enrique at Diesel Sts., Barangay Palanan dahil sa umano’y naiwanan na nilulutong pagkain.
Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing mga bahay dahil sa gawa lamang sa kahoy.
Idineklarang fire out dakong alas-10:15 ng gabi ang sunog at nasa P150,000 ang ari-ariang napinsala.
- Latest