^

Police Metro

Ombudsman binatikos ng kampo ni Gov. Tallado

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahil sa umano’y pagkakaroon ng selective justice ay binatikos ng abogado ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado ang  tanggapan ng Ombudsman.

Inihayag sa pulong balitaan sa QC ni Atty. Adan Marcelo Botor, abogado ni Gov. Tallado na sinuspendi ng Ombudsman ang kanyang kliyente dahil sa paglabag sa kautusan ng Civil Service Commission na ibalik sa puwesto ang tinanggal na provincial veterinarian.

Ikinumpara ni Botor ang kaso ng kanyang kli­yente at ang kaso ni Capiz Gov. Victor Tanco na nagawang baliktarin ng Ombudsman ang desis­yon na una nang tinanggal sa puwesto.

Mas mabigat umano ang kaso ni Tanco dahil extortion ang kaso nito ngunit nabaligtad ang desisyon gamit na basehan ang Aguinaldo Doctrine.

Batay sa Section 1 Article 4 Paragraph 2 ng Aguinaldo Doctrine, ang dalawang indibidwal na nahaharap sa magkahalintulad na usapin ay hindi maaring patawan ng magkaibang kaparusahan.

vuukle comment

ACIRC

ADAN MARCELO BOTOR

AGUINALDO DOCTRINE

ANG

BATAY

BOTOR

CAMARINES NORTE GOVERNOR EDGARDO TALLADO

CAPIZ GOV

CIVIL SERVICE COMMISSION

DAHIL

VICTOR TANCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with