^

Police Metro

Serbisyo ng Globe Telecom sa Samar, naibalik na

Pang-masa

MANILA, Philippines – Matapos ang ginawang pananalasa ng bagyong Nona sa Catarman, Northern Samar na kung saan ay nasira ang mobile services dito ay agad naman itong naibalik ng Globe Telecom sa lalong madaling panahon.

Ito ang inihayag ni Globe Senior Vice President  for  Operations-Network Technical Group, Peter Tan.

Puspusan pa rin ang ginagawang pagsasaayos ng kompanya sa mga cell site na labis na naapektuhan ng bagyo na kung saan ay ilang service disruptions ang na-monitor sa ilang lugar sa Southern Luzon at Eastern Visayas.

Karamihan sa service disruptions na ito ay sanhi ng power outages at transmission issues na dulot ng malalakas na hangin dala ni Nona.

Bukod dito ay  pinalawak ng Globe ang pagpapakalat ng ‘Libreng Charging’ operations na nagkakaloob ng serbisyo sa 25 iba’t ibang barangay sa buong lalawigan ng   Samar.

Nagsasagawa din ng ‘Libreng Charging’ sa iba’t ibang barangay sa lalawigan ng Sorsogon City na nasapol din ng bagyong Nona.

ACIRC

ANG

EASTERN VISAYAS

GLOBE SENIOR VICE PRESIDENT

GLOBE TELECOM

LIBRENG CHARGING

NORTHERN SAMAR

OPERATIONS-NETWORK TECHNICAL GROUP

PETER TAN

SORSOGON CITY

SOUTHERN LUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with