^

Police Metro

Duterte tuloy na sa pagkapangulo

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tuloy  na ang pagkandidato  sa pagkapangulo ni  Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa May 2016 elections matapos tanggapin ng Commission on Elections (Comelec) en banc  ang  substitution ni  Duterte  kay  Martin Dino na presidential candidate ng  PDP-Laban.

Sa botong 6-1 ay kasama na sa listahan ng tatakbong pangulo si Duterte.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, tanging substitution lamang ang niresolba ng poll body maliban na lamang kung meron pang ihahaing disqualification case laban sa kaniya.

Depensa ng Comelec law department na nakumpleto ng kampo ni Duterte ang mga basic requirements para siya ay ikonsidera bilang miyembro ng partido.

Una rito, ipinatawag ng Comelec poll body maging ang abogadong nagnotaryo ng kaniyang substitution upang matiyak kung may katotohanan ang balak na pagtakbo ng Davao mayor.

Kamakailan ay  ipinababasura ng abogado ni Duterte na si Atty. Vitaliano Aguirre sa First Division ng Comelec ang disqualification case dahil hindi nagpakita sa hearing noong Martes ang petitioner na si Ruben Castor.

ANG

AYON

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

FIRST DIVISION

MARTIN DINO

NBSP

RUBEN CASTOR

VITALIANO AGUIRRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with