^

Police Metro

4 todas kay ‘Nona’

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na apat katao ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Nona sa Bicol at Visayas Region.

Ang nasawi ay si Pascual Ausente Jr., 31, Allen, Northern Samar na tinamaan ng lumipad na yero. Habang ang tatlong pang nasawi ayon sa Office of Civil Defense (OCD) Region 8 ay mula rin sa lalawigan ng Northern Samar kabilang ang isang binawian ng buhay sa hypothermia.

Dumaranas naman ng kawalan ng supply ng kuryente ang mga lalawigan ng Sorsogon, Albay, Camarines Sur, Mindoro at Samar bunga ng hagupit ng bagyo.

Ang bagyong Nona ay nag-landfall ng  5 beses kung saan ikalima  dakong alas-10:30 ng umaga kahapon sa Pinamalayan, Oriental Mindoro na may taglay na lakas ng hangin na 140 Kph at bilis na 170 Kph.

Nasa ilalim ng Public Storm Warning Signal (PSWS) No. 3 ang Calamian group of islands, Oriental Mindoro at Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island habang PSWS No. 2 naman sa Marinduque, Romblon at Visayas at PSWS No. 1 naman sa Metro Manila, Bataan, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Quezon, Burias Island, Northern Palawan at Cuyo Island, Aklan at Antique.

ANG

BURIAS ISLAND

CAMARINES SUR

CUYO ISLAND

LUBANG ISLAND

METRO MANILA

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

NORTHERN PALAWAN

NORTHERN SAMAR

OCCIDENTAL MINDORO

ORIENTAL MINDORO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with