^

Police Metro

Matinding problema sa global warming labanan

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Aprubahan na ang 1.5 degrees gas emissions upang malabanan ang lumalalang global war­ming.

Ito ang naging panawagan ni senatoriable Atty. Francis Tolentino sa mga pinuno ng bansa sa mundo dahil sa nauubusan na ng oras at ang paiba-ibang kondisyon ng panahon ay tanda na dapat nang magkaisa ang lahat ng bansa mayaman man o mahirap kung ayaw magsisi sa huli.

Sinabi ng dating Me­tropolitan Manila Deve­lopment Authority chairman na kabilang siya sa nagulat nang malaman na ang pagkatunaw ng mga glaciers o higanteng mga yelo ay dahilan ng pagbagal ng pag-inog ng mundo.

Iginiit nito na kaila­ngan ang ibayong pagtutulungan ng mga bansa para malabanan ang climate change.

“Kahit pumayag tayo na  babaan ang gas emissions, kung yung mga kalapit naman nating bansa like India, China na nagdedevelop, walang mangyayari sa final agreement. Dahil dinada­lang hangin ang polus­yon kahit sa ibang bansa,” wika nito.

May mga ulat din na tumaas na ng “one degree celsius” ang temparatura ng mundo mula nitong ika-19 siglo at target ngayon na huwag nang tumaas ito ng higit sa 2 degree Celsius.

Umaasa si Tolentino na mabibigyan ng subsidiya ng mga mayayamang bansa ang mga “third world country” tulad ng Pilipinas upang malabanan ang matinding epekto ng climate change.

ACIRC

ANG

APRUBAHAN

BANSA

DAHIL

FRANCIS TOLENTINO

IGINIIT

ITO

MANILA DEVE

MGA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with