^

Police Metro

Mister nangulila sa misis, nag-suicide

Boy Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang pangungulila sa misis ang isa sa motibo kaya ang-suicide ang 40-anyos na mister matapos itong magbigti sa kanyang inuupahang apartment sa Barangay Tanauan, bayan ng Bustos, Bulacan kahapon.

Matigas na ang katawan nang matagpuan ang biktimang si Michael Concepcion ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni PO2 Jereland Salinas, dakong alas-7 ng umaga nang mapagawi ang kapitbahay na si Nelson sa harapan ng apartment kung saan may kakaibang amoy na nagmumula sa nirerentahan apartment ng biktima.

Kaagad na siniyasat ni Nelson ang paligid at nang buksan ang bintana ay bumulaga ang biktima na na­kabitin sa pintuan ng bahay.

Kaagad na ipinaalam ni Nelson sa may-ari ng apartment at ipinabot naman sa pulisya.

Tumanggi naman ang mga kaanak ng biktima na ipa-autopsy ang bangkay nito kaya lumagda na lamang sa waiver na nagpapatunay na nagpatiwakal ang lalaki.

Huling namataang buhay ang biktima na naging malulungkutin dahil sa pangungulila sa sariling asawa na kasalukuyang nagtatrabaho sa ibang bansa bilang OFW.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY TANAUAN

BULACAN

HULING

JERELAND SALINAS

KAAGAD

MATIGAS

MICHAEL CONCEPCION

PINANINIWALAANG

TUMANGGI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with