Shellfish ban nananatili sa Davao
MANILA, Philippines – Patuloy na ipinaiiral ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang shellfish ban sa Balite Bay sa Davao Oriental, Southern Mindanao dahil sa patuloy na pagtaas ng toxicity level ng red tide.
Bunga nito, sinabi ni Asis Perez, director ng BFAR, nakipag-ugnayan na ang BFAR sa lokal na pamahalaan ng Davao Oriental na bawalan ang mga residente na manguha, magbenta at kumain ng shellfish products tulad ng tahong, halaan gayundin ang alamang.
Ang isda, hipon at alimango naman mula sa naturang baybayin ay maaaring kainin basta’t linising mabuti.
Ligtas naman sa red tide toxin ang mga lugar na nasa paligid ng baybayin ng Manila Bay tulad ng Cavite at Bulacan.
- Latest