^

Police Metro

MRT at LRT nagkaaberya na naman

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Magkasunod na nagkaaberya na naman ang biyahe ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) kahapon na ikinagalit ng libu-libong pasahero.

Nabatid sa pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na dakong alas-5:30 pa lamang ng umaga ay ipinaskil na sa mga istasyon ng MRT na hindi diretso ang operasyon sa halip ay partial lamang mula sa North Avenue Station hanggang Shaw Boulevard Station lamang.

Mula naman sa Ortigas Station hanggang Taft Avenue Station at vice versa dahil sa pagkakaroon ng aberya sa riles sa pagitan ng Ortigas Ave­nue Station at Santolan Station.

Matapos ang mahigit sa isang oras na pagkukumpuni sa riles ay muling naibalik sa normal ang operasyon ng MRT.

Nabatid naman kay Atty. Hernando Cabrera ng LRTA na nagkaroon din ng aberya ang operasyon ng LRT-2 kung saan li­mitado lamang sa Santolan, Pasig at V. Mapa, Sta Mesa station ang biyahe ng LRT-2.

Sinabi ni Cabrera na mayroon maintenance works na tinapos sa East bound section mula sa Recto Avenue hanggang Legarda, Sampaloc station.

Bandang alas-8:40 ng umaga nang magbalik sa normal ang operasyon ng LRT-2.

ACIRC

ANG

HERNANDO CABRERA

LIGHT RAIL TRANSIT

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

METRO RAIL TRANSIT

NABATID

NBSP

NORTH AVENUE STATION

ORTIGAS AVE

STATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with