^

Police Metro

2 NPA rebels, 1 sundalo patay sa bakbakan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang dalawang pinaghihinalaang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) at isang sundalo habang isang Army Corporal ang nasugatan nang magkasagupa kamakalawa sa isang liblib na lugar sa bayan ng Hinobaan, Negros Occidental.

Batay sa ulat, sinabi ni Army’s 3rd Infantry Division (ID) Spokesman Major Ray Tiongson, bandang alas-7:40 ng umaga  nang makabakban  ng tropa ni Lt. Col. Harold Anthony Pascua, Commander ng 79th Infantry Battalion (IB) ang nasa 12 armadong rebelde sa Brgy. Damutan, Hinobaan.

Umabot sa 15 minuto ang palitan ng putok na ikinasawi ng sundalong si Corporal Jonathan Egaran habang patuloy namang nilalapatan ng lunas ang sugatang si Corporal Melbin Legaspi at inaalam ang pagkakakilanlan sa dalawang napatay na rebelde.

Nabatid na bago nangyari ang bakbakan ay inatake ng mga armadong rebelde ang Hacienda Jamandre at binihag ang isang kasapi ng Revolutionary Proleta­rian Army-Alex Boncayao Brigade (RPA-ABB)  na si Cerilo de Asis na ginamit bilang kalasag sa pagtakas sa Brgy. Robles, La Castellana, bandang alas-8:45 ng gabi.

Bukod dito ay niransak din ng mga rebelde ang bahay ng isa ring RPA-ABB member na si Maximo Magbanua at kinuha  ang tatlong armas na kinabibilangan ng isang submachine gun, grenade launcher at isang pistol.

Narekober naman sa pinangyarihan ng engkuwentro ang mga basyo ng bala ng M16 rifle at M203 grenade launcher, mga personal na kagamitan at mga subersibong dokumento gayundin ang isang baby armalite rifle na naiwan ng mga nagsitakas na rebelde.

ANG

ARMY CORPORAL

ARMY-ALEX BONCAYAO BRIGADE

BRGY

CORPORAL JONATHAN EGARAN

CORPORAL MELBIN LEGASPI

HACIENDA JAMANDRE

HAROLD ANTHONY PASCUA

HINOBAAN

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with