^

Police Metro

NGCP tower pinasabog

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinasabog ng mga hindi pa nakilalang mga suspek ang tower ng National  Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Sa ipinadalang report ni P/SI Jun Jinette Napat, hepe ng Aleosan-PNP na ang partikular na pinasabog ay ang tower KS 68.

Nabatid na isang IED ang ikinabit sa tore dahilan ng pagbagsak nito.

Base sa imbestigasyon dakong alas-9:28 ng gabi nang sumabog ang bomba sa tower ng NGCP   na matatagpuan sa Sitio 1, Brgy. Pagangan, Aleosan.

Ang pinasabog na tower ay siyang nagsu-suplay ng kuryente sa Kibawe, Bukidnon patungong Simuay, Sultan Kudarat, Cotabato City at malaking bahagi ng lalawigan ng Maguindanao at North Cotabato.

Bago ito ay ilang kalalakihan ang namataang umaaligid sa lugar at kasunod nito ay ang malakas na pagsabog.

Naibalik naman ang suplay  ng kuryente sa lugar bandang alas-7:00 ng umaga nitong Biyernes.

Pinaniniwalaan namang extortion mula sa pinaghihinalaang grupo ng Al Khobar gang ang motibo ng pagpapasabog pero hindi rin isinasantabi na kagagawan ito ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Sa tala ang nasabing pambobomba sa  tower ng NGCP sa North Cotabato at Maguindanao ay ikaanim na sa taong ito.-Joy Cantos, Rhoderick Beñez

vuukle comment

AL KHOBAR

ALEOSAN

ANG

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

COTABATO CITY

GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINES

JOY CANTOS

JUN JINETTE NAPAT

MAGUINDANAO

NORTH COTABATO

RHODERICK BE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with