^

Police Metro

77 tangke na bigay ng Estados Unidos dumating

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Upang mapaangat pa ang kapabilidad ng tropa ng katihan laban sa banta ng seguridad ay duma­ting na sa bansa ang 77 sa kabuuang 114 donasyong tangke ng Estados Unidos sa Armed Forces of the Philippines (AFP). 

Sa isang press statement ng US Embassy sa Defense Press Corps ang nasabing M1133A2 Armored Personnel Carrier (APC) battle tank ang unang batch ng kabuuang 114 donasyong mga tangke na ipinagkaloob ng Amerika sa  AFP.

Ang nasabing mga tangke ay dumating sa Subic Bay kamakalawa ng gabi kung saan ang pag­lilipat ng naturang mga military equiptment ay bahagi ng Excess Defense Article Program o EDA.

Alinsunod sa EDA, pinapayagan ang Amerika na libreng ibahagi ang mga sobra nilang kagamitang pandigma sa mga kaalyado nitong bansa tulad ng Pilipinas. Ang 37 pa sa mga tangke ay darating naman sa Lunes.

ACIRC

ALINSUNOD

AMERIKA

ANG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARMORED PERSONNEL CARRIER

DEFENSE PRESS CORPS

ESTADOS UNIDOS

EXCESS DEFENSE ARTICLE PROGRAM

MGA

SUBIC BAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with