Kawani ng city hall, itinumba
MANILA, Philippines – Bumulagta ang 50-anyos na kawani ng city hall matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa gilid ng highway sa Dagupan West, Tabuk City, Kalinga kamakalawa.
Idineklarang patay sa Saint Peter Claver Hospital ang biktimang si Oscar Gunday, kawani ng Tabuk City Hall. Sa ulat ng Cordillera PNP, naitala ang krimen bandang alas-8:25 ng umaga.
Base sa imbestigasyon, kasalukuyang lulan ang biktima ng traysikel nang sundan at ratratin ng gunmen pagsapit sa nasabing lugar.
Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima pero idineklarang patay dahil sa apat na tama ng bala sa dibdib, isa sa panga at kanang siko.
Narekober naman sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 9mm pistol.
- Latest