US submarine dumaong sa Subic
MANILA, Philippines – Dumaong sa Subic Bay, Zambales ang Los Angeles Class fast-attack submarine (USS Tucson) para sa port call visit kaugnay ng Indo-Asia Pacific deployment.
Ito ang nabatid kahapon sa mensahe ng US Embassy na kinumpirma ang pagdating noong linggo ng USS Tucson sa Subic Bay.
Ang pagdating ng US submarine ay sa gitna na rin ng isinagawang paglipad ng US spy plane sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea kung saan inihayag ng China na magtatayo ng panibagong airfield sa nasabing lugar.
Nabatid na karamihan sa mga crew ng nasabing submarine ay unang pagkakataon pa lamang na makarating sa bansa.
Samantala, magkakaroon naman ng pagkakataon ang mga Filipino–American sailors ng submarine na mabisita ang kanilang mga pamilya at lupang tinubuan.
“This submarine is capable of supporting a multitude of missions, including anti-submarine warfare, anti-surface ship warfare, strike, intelligence, surveillance and reconnaissance,” ayon pa sa US Embassy.
Base sa rekord, ang USS Tucson ay nakabase sa Pearl Harbor sa Hawaii at kayang mag-operate sa karagatan saan mang panig ng buong mundo.
Ang USS Tucson ay ika-59th Los Angeles–Class fast attack submarine at ika-20 sa mas pinakamahusay na Los Angeles attack submarines ng Amerika.
- Latest