Solon nanawagan na huwag ituloy ang highway project sa Sierra Madre
MANILA, Philippines – Nakatakdang dumulog si Isabela 3rd District Congressman Napoleon Dy kay Pangulong Noynoy Aquino, gayundin sa punong tanggapan ng Department of Public Works and Highways at Department of Environment and Natural Resources na huwag ituloy ang nakatakdang pagpapagawa ng bagong highway o national road na bubutasin ang ilang bahagi ng kabundukan ng Sierra Madre.
Nilinaw naman ni Dy na sang-ayon siya sa pagpapagawa ng 82 km project na pinagtibay noong November 15, 2015 at pinondohan ng P1.7B.
pero tutol siya sa pagpapabutas ng kabundukan, sa halip ay mas nais niya na sa Coastal na lamang paraanin ang kalsada.
Nangangamba ang kongresista na kapag pinatay ang mga puno na mahigit isandaang taon na ang edad ay siguradong lulubog sa baha ang maraming bayan tulad ng Ilagan na may 91 barangays, Tuguegarao, Isabela, at Sierra Madre hanggang Region 3 at ikamamatay ng ilang pinaniniwalaang endangered animals tulad ng Phil. Eagle na maaaring naninirahan pa sa kagubatan at ilang kahayupan sa bansa na bahagi na ng kasaysayan ng Pilipinas.
Ang nasabing virgin forest ay deklaradong National Park kaya tutol sa nasabing proyekto ang kongresista na suportado ng milyun-milyong residente duon, maging ng UNICEF.
- Latest