Comelec pinababawi ang TRO vs ‘No Bio, No Boto’
MANILA, Philippines – Nakakaantala ang paghahanda na mailabas ang pinal na voter’s list sa inilabas na temporary restraining order (TRO) sa ‘No Bio, No Boto’ng Suprem Court.
Ito ang sinabi ni Comelec Chairman Andy Bautista dahil target ng kagawarang mailabas ang pinal na voters’ list sa Disyembre 15.
Subalit, sakaling maghari ang TRO, kailangang ibalik ang higit dalawang milyong botanteng na-deactivate dahil sa kakulangan ng mga ito ng biometrics.
Makaaapekto ito sa kanilang pinaghahandaang bilang ng mga materyales, partikular na ng mga balotang ipa-iimprenta at mga makinang aarkilahin.
Handa naman aniya ang ahensiyang humarap sa debate kung kailanganin, ngunit hiling nila ang agarang pagbawi ng kautusan upang umandar ang lahat ng preparasyon.
Anya, ang polisiyang ‘No Bio, No Boto’ ay hindi pakana ng Comelec, bagkus ay nakabatay sa Batas Pambansa Blg. 10367 o ang Mandatory Biometrics Registration Act.
- Latest