^

Police Metro

Autoshop hinoldap: 3 sasakyan, 2 vault tangay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinasok ng pitong armadong kalalakihan ang isang autoshop at dito ay iginapos ang dalawang guwardiya at dalawang kawani bago tinangay ang tatlong sasakyan at dalawang vault na naglalaman ng mga tseke at pera kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Batay sa ulat, ganap na ala-1:51 ng madaling araw habang ang mga security guard na sina Jorge Medel at Wendel Lumabao ay nagbabantay sa DK Motors na matatagpuan sa no. 393 Minda­nao Avenue, Barangay Tandang Sora nang dumating ang isang Honda CRV (UIT-818)  na kulay gold  at  bumaba ang isa sa mga lalaking sakay nito na nagpanggap na customer.

Biglang pinuwersa ng lalaki na buksan ang metal roller barriers ng autoshop saka biglang pinarada ang kanilang sasakyan sa loob ng compound ng authoshop.

Tinutukan ng baril sina Medel at Lumabao bago iginapos ng duck tape at gayun din ang ginawa sa dalawang kawani na sina Jerome Paster, electrician, at Wilson Lentija, maintenance.

Matapos maigapos ang apat na biktima ay sinimulan na ng mga suspek ang paglimas sa opisina ng autoshop at tinangay ang isang Hyudai Tucson (TPI-911), Toyota Cambri (ZNC-231), Honda CRV (VRB-343), dalawang safety vault na naglalaman ng hindi pa madeterminang halaga ng assorted checks at cash money; at apat na CPUs, monitors at CCTV.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY TANDANG SORA

BATAY

HYUDAI TUCSON

JEROME PASTER

JORGE MEDEL

QUEZON CITY

TOYOTA CAMBRI

WENDEL LUMABAO

WILSON LENTIJA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with