^

Police Metro

Women’s group inendorso si Binay

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inendorso ng grupo ng mga kababaihan ang presidential bid ni Vice President Jejomar Binay sa 2016 na nangakong itataguyod ang kapa­kanan ng mga kababaihan at kikilalanin ang kanilang papel sa pagpapahalaga at mapaayos ang ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni Evelyn Atienza, executive director ng Kababaihan ng Maynila na may libu-libong mi­yembro, mas nakikita nila sa katauhan ni VP Binay ang karapat-dapat na susunod na maging lider ng bansa.

“From the beginning, ang advocacy ng Kababaihan ng Maynila ay pro-life, pro-family, pro-good government. Nakita namin na si Jojo Binay ang most qualified na maging Pangulo dahil siya ang tumutugon sa advocacy ng Kababaihan ng Maynila,” ani Atienza.

Ang Kababaihan ng Maynila Foundation ay isang non-profit at vo­lunteer non-government organization na nagbibigay ng livelihood at skills trai­ning programs para sa mga kababaihan mula sa mga depressed communities sa Maynila.

Nagpahayag din si Buhay Party-list Representative Lito Atienza, na siyang nagtatag ng Kababaihan ng Maynila Foundation noong 1984, na maaasahan ni Binay ang suporta mula sa nasabing orga­nisasyon na may 25,000 aktibong miyembro sa buong Maynila.

Sinabi naman ni Tita Laparan, District III coordinator ng Kababaihan ng Maynila, na makakaasa si Binay sa kanilang suporta dahil naniniwala ang kanilang grupo sa karanasan at  track record ni Binay na mas nakakaangat sa ibang mga kandidato.

Sinabi ni Binay sa ika-31 anibersaryo ng Kababaihan ng Maynila Foundation kung paano naging malaki ang naimbag ng mga kababaihan sa ekonomiya ng bansa dahil ang ikatlong bahagi ng mga small and medium enterprises ay pag-aari o pinamamahalaan ng kababaihan tulad ng ka­rinderya, tindahan, patahian at iba pa.

ACIRC

ANG

ANG KABABAIHAN

BINAY

BUHAY PARTY

EVELYN ATIENZA

JOJO BINAY

KABABAIHAN

MAYNILA

MAYNILA FOUNDATION

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with