^

Police Metro

Binay isusulong ang libreng Wi-Fi

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nangako si Vice President Jejomar Binay na isusulong niya ang pagbibigay ng libreng Wi-Fi sa buong bansa kapag siya ay nahalal na Pangulo sa susunod na taon.

Ito ang inihayag ni Binay matapos dumalo sa pagpapasinaya ng Cavite provincial government ng proyektong libreng  Wi-Fi sa lahat ng eskwelahan at kabahayan sa pangu­nguna ni Cavite Gov. Jonvic Remulla, na dati niyang ta­gapagsalita.

Sinabi ni Binay na kanyang palalawakin ang maaabot ng mga cell sites sa tulong ng pribadong sektor upang lalong mapabilis ang koneksyon ng internet.

Ayon pa kay Binay na lilikha siya ng Department of Information and Communications Techno­logy na siyang titingin  sa “Kung mabilis at maayos ang koneksyon ng internet sa buong Pilipinas, mas maraming tao sa mga probinsya ang magkakaroon ng online na trabaho, tulad ng mga transcribers, accountants, artists at designers,” pahayag ni Binay sa harap ng mga estud­yante at lokal na opisyales ng Cavite.

Ayon pa kay Binay na bubuo o magtatatag siya ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na siyang titingin sa pagpapaganda ng communications infrastracture sa bansa.

Kasalukuyan, ang internet connection sa bansa ay isa sa mga pinakamabagal sa Asya. Kaya ang kaakibat ng pagtatayo ng DICT ay sisikapin din nating maging ‘basic service’ o pangunahing serbisyo ang internet sa halip na ‘value added service’ upang mapabilis ito at mapababa ang presyo.

Tungkulin ng gobyerno na kumbinsihin ang pribadong sektor na mamuhunan sa mga negosyong may kinalaman sa ma­kabagong teknolohiya ng I.T.

ACIRC

ANG

AYON

BINAY

CAVITE

CAVITE GOV

DEPARTMENT OF INFORMATION AND COMMUNICATIONS TECHNO

DEPARTMENT OF INFORMATION AND COMMUNICATIONS TECHNOLOGY

JONVIC REMULLA

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

WI-FI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with