^

Police Metro

Dahil sa TRO ng ‘No Bio, No Boto’... 2016 election ipagpapaliban?

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kung hindi aalisin ng Korte Suprema ang temporary res­training order na inilabas nito laban sa implementasyon ng ‘No Bio, No Boto” ay malaki ang posibilidad na ma postponed ang  2016 elections.

Ito ang inihayag ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres  Bautista  kung  saan ito aniya ang kanyang magiging tugon sa TRO na inilabas  ng  SC bago ang deadline na ibinigay sa poll body  hanggang December 11.

Anya, malaki ang epekto ng TRO sa kanilang paghahanda para sa nalalapit na national at local elections.

“Iniisip ko ngang magsulat kaagad sa ating Korte Suprema at hi­ngin nga ipakita na baka magkaproblema ang halalan kung hindi nila i-lift ang temporary  restrai­ning order,” ani Bautista.

Sa katunayan umano ay nais na nilang tapusin sa Disyembre 15 ang listahan ng mga botante.

Umaasa sila na maiisip ng SC ang mga bagay na kanilang pinag-ukulan ng pansin at oras upang matapos sa takdang panahon.

Subalit wala naman silang magagawa kung hindi ipatutupad at wala umano silang  magagawa kundi ipostponed ito.

Nagtataka lamang si Bautista kung bakit nga­yon lamang kinuwestiyon ang “No Bio, No Boto” kung kailan malapit na ang halalan.

ACIRC

ANG

ANYA

BAUTISTA

CHAIRMAN ANDRES

COMELEC

DISYEMBRE

KORTE SUPREMA

NBSP

NO BIO

NO BOTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with