^

Police Metro

Order of listings ng partylist idadaan sa raffle

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Para sa pagkakasunud-sunod ng partylists dahil karamihan ay nagsisimula  sa letrang “A” at “1” ay idadaan sa raffle ng Commission  on Elections (Comelec) ang order of listings.

Batay sa  Resolution No. 10025, magsasagawa ang poll body ng raffle para matukoy ang pagkakasunud-sunod ng pangalan ng mga party-list groups sa official ballots na gagamitin sa May 2016 elections.

Nasa 185 party-list groups ang makakasali sa raffle na isasagawa sa Disyembre 14, na kinabibilangan ng  101 party-list groups, na ang aplikasyon ay naaprubahan na ng Comelec at 84 party-list organizations, na-deny ng dibisyon ngunit may mga nakabinbing apela sa en banc.

Tinitingnan pa rin ng Comelec ang posibilidad na madagdagan pa  ng walo pang partylists  na makakasama sa raffle subalit  subject for resolution pa ang iba’t ibang isyu na kanilang kinakaharap.

Gumagamit ng alphabetical order ang Co­melec para sa pagkakasunud-sunod ng pangalan ng mga grupo sa balota, ngunit karamihan sa mga ito ay gumagamit ng letrang A at numero 1 para mauna ang kanilang pangalan sa listahan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BATAY

COMELEC

DISYEMBRE

GUMAGAMIT

LIST

MGA

NBSP

RESOLUTION NO

TINITINGNAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with