Tigil-pasada sa Lunes
MANILA, Philippines – Dahil sa isyu ng jeepney phaseout ay ikinasa ng iba’t ibang grupo ng transportasyon ang transport holiday sa araw ng Lunes sa Metro Manila.
Ayon kay Allianced of Concerned Transport Organization (ACTO) President Efren De Luna na isang malawakan at malakihang tigil-pasada ang gaganapin sa Disyembre 7.
Sinabi ni De Luna na ang layunin ng transport holiday ay upang maiparating sa Malacañang ang kanilang matinding pagtutol sa planong pag-phase out ng Land Transportation Franchising Reguatory Board sa mga pampasaherong jeep na may edad 15 taon pataas.
Sasabay din sa tigil-pasada ang mga transportasyon sa ibat ibang karatig lalawigan.
Nangangamba anya, silang hindi na payagan ng gobyerno na makabiyahe pa sa darating na Enero ang mga jeep at iba pang pampublikong sasakyan na mayroon ng 15 taon pataas.
- Latest