^

Police Metro

San Jose Del Monte City ipinadedeklarang election hot spot

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kasunod nang pananambang kay San Jose Del Monte City engineer  Rufino Gravador noong Miyerkules ng hapon ay nabuhay ang panawagan na ideklarang election hot spots o areas of immediate concern ang lungsod.

Nabatid na si Gravador ang whistle blower at nagsampa ng kasong graft sa Ombudsman laban kay San Jose Del Monte Mayor Reynaldo San Pedro.

Sinabi ng abogado ni Gravador na si Atty. Elmer Galicia, na matagal na nilang hinihiling na ilagay sa areas of concern ang lungsod dahil sadyang magulo lalo na kapag eleksyon.

Hiniling na rin ng kampo ni Gravador ang tulong ng National Bureau of  Investigation (NBI) upang matutukan ang kaso ng tangkang pagpatay dito.

Ayon pa kay Atty. Galicia, nakikipag-ugnayan na rin sila sa Department of Interior and Local Government (DILG) upang mas mapabilis ang pagsisiyasat sa insidente.

Isinasaayos na rin ang pagbuo ng task force na tututok sa kaso ni Gravador upang matukoy ang tunay na motibo at mga taong nasa likod ng tangkang paglikida sa kanya makaraang ibulgar ang umano’y overpriced na konstruksyon ng city hall sa San Jose del Monte.

Una nang sinabi ni Atty. Galicia na isa sa hinala ng kanilang kampo na may kinalaman sa kasong plunder laban sa alkalde ang pananambang kay Gravador dahil ito  ang nakasaksi sa transaksyon para sa pagtatayo ng gusali.

ANG

AYON

ELMER GALICIA

GALICIA

GRAVADOR

NATIONAL BUREAU

RUFINO GRAVADOR

SAN JOSE

SAN JOSE DEL MONTE CITY

SAN JOSE DEL MONTE MAYOR REYNALDO SAN PEDRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with