^

Police Metro

2 namatay, 14 naratay sa ininom na tubig-bukal

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawa ang nasawi habang 14 ang naratay sa ospital matapos dumanas ng diarrhea at typhoid fever sanhi ng ininom na tubig galing sa bukal sa General Santos City.

Ang mga nasawing biktima ay isang 15-anyos na dalagita at isang 17-anyos na binatilyo na dumanas ng matinding pagsusuka at diarrhea na hindi na naisugod pa sa pagamutan.

Karamihan sa mga biktima ay mga bata at matatanda mula sa tribong B’laan sa lugar.

Sa ulat na nakarating sa Office of Civil Defense (OCD) Region 12, ang mga apektadong tao ay mga residente ng Sitio Mangkat, Brgy. Kiram, Malapatan ng lungsod na ito.

Simula pa nitong nakaraang linggo ay dumanas ng diarrhea at typhoid fever ang mga biktima sanhi umano ng tubig na ininom mula sa bukal sa bundok sa kanilang lugar. Nagsimula nang dumanas ng matinding pananakit ng tiyan, diarrhea, panginginig ng katawan, panlalagas ng buhok at grabeng pagsusuka ang mga biktima kaya napilitan na ang kanilang mga pamilya na isugod ang mga ito sa pagamutan.

Nakatakda namang suriin ng mga health officials ang sample ng tubig sa bukal upang mabatid ang sanhi ng ikinalason ng mga biktima.

 

vuukle comment

ANG

BRGY

DALAWA

GENERAL SANTOS CITY

KARAMIHAN

KIRAM

MALAPATAN

MGA

NAGSIMULA

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

SITIO MANGKAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with