Amazing Pinay Challenge inilunsad ni VM Joy B
MANILA, Philippines - Inilunsad ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang isang patimpalak na Amazing Pinay Challenge na daan para makilala ang mga talento ng mga kababaihan at kabataan sa Quezon City.
Ang Amazing Pinay Challenge ay pangunahing itinataguyod ng Womens group na Gabriela bilang bahagi ng implementasyon ng Magna Carta of Women at young women gayundin ng Women and Children Protection Center ng PNP.
Ang Challenge ay itinataguyod din sa Maynila, Caloocan, Antipolo, Dasmariñas, Bacoor, Naga, Legaspi, San Jose del Monte, Angeles, Batangas, Cebu, Bacolod, IloIlo, Davao, General Santos City at Cagayan de Oro.
Sa Amazing Pinay Challenge sa QC , ang mga talented young women at mga kabataan na may edad mula 18 anyos hanggang 34 anyos ay maaaring sumali at ipakita ang anumang talento sa pagkanta, pagsayaw, drama, play o combinations.
Dapat silang makapasa sa barangay o district level screening auditions, nakadalo sa mandatory VAW at womens rights education festival.
Ang bahagi ng panalo ay ilalaan sa LGU charity at sa VAW victims support program ng Gabriela.
Ang finals ay gagawin sa Enero 31,2016. Lahat ng sumali ay tatanggap ng Amazing Pinay Challenge trophy at ang 1st place ay P25,000,2nd place P10,000 at P5,000 3rd place.
- Latest