Malapitan gustong magtayo ng dinastiya sa Caloocan
MANILA, Philippines – Mismong sa bibig umano ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan na planong magkaroon ng dinastiya sa pamumuno sa lungsod hanggang 2030.
Ayon kay Maralitang Tagalungsod ng Kalookan (MaTaKa) President Elmer Cruz, nabistong gustong pagharian ng pamilya Malapitan ang Caloocan hanggang 2030 sa idineklara niyang “Caloocan 2030: The Livable City Development Plan (C-2030).”
Ani Cruz, sa halip magpapogi sa mga proyektong ipinagawa sa Caloocan ay dapat linawin ni Malapitan ang maanomalyang paggamit sa paglalaan ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa pekeng non-governmental organization na Kalookan Assistance Council, Inc. (KACI) noong kongresista pa lamang siya mula 2007 hanggang 2009.
Nagtataka sila bakit tahimik ay ayaw iulat ni Malapitan ang umano’y pagkasangkot niya sa PDAF scam na idineklarang labag sa Konstitusyon ng Korte Suprema? na kung saan ay marami nang nakakulong sa 2nd batch.
Hindi umano nila papayagan na magkaroon ulit ng dinastiya sa lungsod na naranasan sa panahon ng mag-amang Asistio.
- Latest