^

Police Metro

Kidnaper na Abu, arestado

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang pinaghihinalaang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na umano ay res­ponsable sa pagdukot sa dalawang Malaysian at isang Korean national ang nadakip sa isinagawang operasyon sa Jolo Pier, Jolo, Sulu dakong alas-2:40 ng hapon kahapon.

Kinilala ni Joint Task Group (JTG)  Sulu Commander Brig. Gen. Alan Arrojado ang naarestong Abu Sayyaf kidnapper na si Saddam Jailani na may warrant of arrest sa kasong  kidnapping and serious illegal detention at iba pang kasong kriminal.

Si Jailani ay aktibong miyembro ni Abu Sayyaf Sub Commander Alhabsy Misaya na sangkot sa pagbihag at pagpugot ng ulo sa Malaysian engineer na si Bernard Ghen Ted Fen, 39 noong Nobyembre 17 sa kasagsagan ng APEC Summit sa bansa.

Si Fen ay binihag ng mga bandido kasama ang Manager ng Ocean King Seafood Restaurant sa Sandakan, Sabah, Malaysia noong nakalipas na Mayo 15 ng taong ito. Pinalaya si Fun noong Nobyembre 8, 2015.

Bukod dito ay sina Jailani rin ang natukoy na bumihag sa isa pang negosyanteng Koreano na itinago ng grupo sa Sulu.

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ABU SAYYAF SUB COMMANDER ALHABSY MISAYA

ALAN ARROJADO

BERNARD GHEN TED FEN

JOINT TASK GROUP

JOLO PIER

NOBYEMBRE

OCEAN KING SEAFOOD RESTAURANT

SADDAM JAILANI

SI FEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with