Christmas bonus tatargetin ng mga holdaper
MANILA, Philippines – Lalo pang papaigtingin ng pulisya ang seguridad partikular sa Kamaynilaan ngayong Kapaskuhan dahil sa inaasahang pagtaas ng insidente ng mga holdapan na ang target ng mga kriminal ay nakuhang Christmas bonus.
Ayon kay Chief Supt.Wilben Mayor, Spokesman ng PNP na itinatag ang Oplan Ligtas Paskuhan upang magsilbing alalay ng publiko ngayong papasok na ang buwan ng Disyembre na kung saan ay bigayan ng mga Christmas bonus.
Una nang inihayag ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez ang pagpapatupad ng heightened alert upang matiyak ang matiwasay at ligtas na pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Ang Oplan Ligtas Paskuhan ay ipatutupad dahilan sa inaasahang pagdagsa ng mga tao para mag-shopping ng pangregalo at panghanda sa Pasko sa mga malls, iba pang mga pamilihan tulad ng Divisoria, Baclaran at iba pa; mga terminal ng pampublikong sasakyan dahilan sa inaasahang bigayan ng 13th month pay ng mga empleyado sa susunod na linggo na karaniwan ng inaabangan ng mga kawatan para makapambiktima.
- Latest