Consolidation ng DQ cases ni Poe, ibinasura
MANILA, Philippines – Hindi pinayagan ng Commission on Elections (Comelec) 2nd Division na pagsamahin ang apat na disqualification case laban kay Senator Grace Poe.
Una nang dininig ang petisyon kung saan hiniling ni Atty. George Garcia sa Comelec na pagsamahin na lamang ang DQ cases na isinampa nina ex-Sen. Francisco Tatad, political science professor Antonio Contreras, University of the East Law dean Amado Valdez at Atty. Estrella Elamparo.
Pabor naman sina Tatad at Valdez na pagsamahin ang kaso habang iba ang kay Contreras na kumuwestiyon sa residency ni Poe.
- Latest