^

Police Metro

Suporta kay Tolentino, umaarangkada

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Habang lumalapit ang panahon ng kampanya ay patuloy na umaarangkada ang suporta ng taumbayan at ibang sektor kay senatorial aspirant Atty. Francis Tolentino.

Sa pinakahuling ulat, maaaring makasama ngayon si Tolentino sa senatorial line-up ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nagpahayag na ng intensyon ng pagtakbo sa pagka-pangulo sa 2016 elections.

Nabatid na agad pinangalanan ni Duterte sa posibleng senatorial ticket niya matapos ang anunsyo ng kandidatura.

Pinasalamatan naman ni Tolentino ang pag-endorso ni Duterte pati na rin ang papuri sa kanya na pinakadi­senteng opisyal ng bansa.

Hinangaan rin ni Duterte ang simpleng pamumuhay ni Tolentino kahit na noong ito pa ang chairman ng Metropolitan Manila Development Authority.

Ang ilan pang sumusuporta kay Tolentino ay sina Cavite Governor Jonvic Remulla at mga alkalde ng Cavite, dating Pangulo at Manila Mayor Joseph Estrada, Parañaque City Mayor Edwin Olivarez at Caloocan City Mayor Oscar Malapitan.

Una nang sinabi ni Tolentino na kung makakatuntong sa Senado ay tututukan niya ang pagsusulong ng mga batas sa kahandaan sa mga kalamidad, pagtatatag ng National Disaster Recovery Agency, National Urban Planning Commission.

ANG

CALOOCAN CITY MAYOR OSCAR MALAPITAN

CAVITE GOVERNOR JONVIC REMULLA

CITY MAYOR EDWIN OLIVAREZ

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

FRANCIS TOLENTINO

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NATIONAL DISASTER RECOVERY AGENCY

TOLENTINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with