^

Police Metro

Bigyan ng katarungan ang Maguindanao massacre victims – Alunan

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanawagan si dating Department of  Interior and Local Government Secretary Rafael Alunan III sa Department of Justice (DOJ) na pabilisin ang proseso ng paglilitis laban sa mga sangkot sa Maguindanao Massacre na nasa ikaanim na taon na kahapon.

Ayon kay Alunan, mahigit 150 testigo at libu-libong pahina na ang iprinisinta ng prosekus­yon pero wala pa ring nahahatulan kahit isa ang special court sa ilalim ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes na may hawak sa kaso.

“Sa halalan noong 2010, nangako si Pa­ngulong Aquino na mahahatulan sa kanyang pamumuno ang lahat ng sangkot sa Maguindanao Massacre pero matatapos na ang kanyang termino sa 2016 ay nasa depensa pa lamang ang paglilitis,” diin ni Alunan na kandidatong senador sa ilalim ng Bagumbayan Party kasama si dating senador Richard “Dick” Gordon.

Naganap ang masaker noong Nobyembre  23, 2009 sa Ampatuan, Maguindanao kung saan 58 katao ang namatay kabilang ang 34 mamamahayag na inilarawangpinakamalalang maramihang pagpatay sa miyembro ng Fourth Estate sa kasaysayan.

Samantala, sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na umaasa ang Palasyo na bago bumaba sa puwesto si Pangulong Benigno Aquino III sa June 30, 2016 ay magkaroon na ng hustisya ang mga biktima ng Maguindanao massacre.

Kahapon ay ginunita ng National Press Club (NPC) sa pamamagitan ng isang kilos-protesta sa Mendiola.

 

ACIRC

ALUNAN

ANG

BAGUMBAYAN PARTY

DEPARTMENT OF JUSTICE

FOURTH ESTATE

JUDGE JOCELYN SOLIS-REYES

MAGUINDANAO

MAGUINDANAO MASSACRE

NATIONAL PRESS CLUB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with