Japan tutulong sa pagluwag ng trapik sa Metro Manila
MANILA, Philippines – Magkatuwang na ipatupad ang roadmap para sa quality infrastructure development sa transport sector para malutas ang trapiko sa Metro Manila.
Ito ang napagkasunduan nina Pangulong Benigno Aquino III at Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa kanilang bilateral meeting kamakalawa ng gabi sa Hotel Sofitel sa pagtatapos ng 23rd Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.
Sinabi ni Pangulong Aquino, layunin ng programa na maging moderno ang transport system sa Metro Manila hanggang 2030 para mapaluwag ang daloy ng trapiko.
Ang blue print ng proyekto ay inilatag na ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na ang layunin ay tumulong para mapaluwag ang daloy ng trapiko sa MM.
Nagpasalamat din si P-Noy kay PM Abe dahil sa tulong ng Japan sa isinusulong na peace initiatives ng gobyerno sa MILF sa pamamagitan ng Japan-Bangsamoro initiatives for reconstruction and development.
Tiniyak din ni PM Abe ang patuloy na pagtulong ng Japan sa pagpapatrulya ng Japanese coast guards sa West Philippine Sea partikular sa isyu ng pagkamkam ng China sa mga pinagtatalunang teritoryo.
- Latest