Pugot na ulo, katawan ng Malaysian hostage isinalang sa forensic test
MANILA, Philippines – Upang masiguro kung bangkay nga ng bihag na si Bernard Ghen Ten Fen, 39, Malaysian, engineer ang narekober na pugot na ulo na halos hindi na makilala dahil sa tadtad ng mga taga gayundin ang nahukay na katawan nito ay nakatakda itong isailalim sa forensic examination ng Philippine National Police (PNP).
“Police forensic investigators are conducting further tests to identify the severed head and headless body found in separate locations in Sulu on Tuesday and Wednesday”, pahayag ni PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor.
Magugunita na noong Martes, dakong alas-8:30 ng gabi ay narekober ng security forces sa kapitolyo ng Jolo, Sulu ang isang inabandonang package sa kahabaan ng Marina St., Brgy. Walled City na naglalaman ng halos hindi na makilalang pugot na ulo na tadtad ng taga.
Samantalang bandang alas-4:30 naman nitong Miyerkules nang mahukay ang walang ulong bangkay ng nasabing bihag sa Brgy. Kagay, Indanan, Sulu.
Hangga’t hindi lumalabas ang resulta ng forensic examination sa nasabing bangkay ay hindi muna nila kukumpirmahin kung ito ang pinatay na bihag na si Fen.
Hindi umano nagawang makabayad ng karagdagang balanseng P 40-M mula sa kabuuang P 100 M na hinihingi ng mga kidnaper na Abu Sayyaf Group kaya’t pinatay na ito.
Kinondena ni Malaysian Prime Minister Najib Razak ang ASG sa pamumugot ng ulo sa kanyang kababayan.
- Latest