^

Police Metro

LTFRB nagpalabas ng special permit

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagpalabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng special permits para sa mga bus companies na may ruta sa Metro Manila nais na pumasada sa mga probinsiya sa panahon ng APEC.

Ito inihayag ni Atty. Ariel Inton, board member ng LTFRB  upang maalalayan ng mga Metro Manila buses ang dumagsang bilang ng mga pasahero na tutungo sa mga lalawigan  sa panahon ng APEC meetings na halos isang linggo.

Maraming bilang ng mga pasahero ang umuwi sa kani-kanilang probinsiya ngayong APEC meetings dahil sa haba ng bakasyon.

Nabatid na nasa 546 buses na nagsipag aplay na mabigyan ng special permits at 352 ang naaprubahan dito.

Gayunman, ang special permits ay mula November 17 hanggang November 22 lamang.

ANG

APEC

ARIEL INTON

GAYUNMAN

ITO

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MARAMING

METRO MANILA

MGA

NABATID

NAGPALABAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with