^

Police Metro

Obama humanga sa Pinay scientist

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hinangaan ng lubos ni US President Barack Obama na naging pa­nauhin pandangal sa APEC-CEO Summit kahapon ng umaga kaugnay sa Climate Change ang Filipina scientist na si Aisa Mijeno ng Sustainable Alternative Lighting (SALt) lamp.

Si Mijeno ang chief executive officer ng SALt lamp na isang environmental friendly at sustainable light source na ang ginagamit ay tubig-alat sa halip na kuryente.

Wika pa ni Mijeno, ang Climate Change ay totoo at hindi lamang ito nilikha ng mga scientists upang makakuha ng pondo.

Aniya, ang elektrisidad at pailaw ay basic need na dapat mabigyan ng karampatang pagtutok ng gobyerno kaya isinulong nila ang SALt lamps lalo sa mga remote barangays sa kanayunan at kabundukan na walang kuryente.

Idinagdag pa ni Mijeno, kayang pailawin nito ang isang SALt lamp sa pamamagitan lamang ng 2 kutsara ng asin at tubig na tatagal ng 8 oras na kaya pang makapag-charge ng cellphones.

Naniniwala si Obama na magtatagumpay si Mijeno sa isinusulong nitong SALt lamps sa pamamagitan ng tulong ng gobyerno at pribadong sector.

 

ACIRC

AISA MIJENO

ANG

ANIYA

CLIMATE CHANGE

FILIPINA

HINANGAAN

MIJENO

PRESIDENT BARACK OBAMA

SI MIJENO

SUSTAINABLE ALTERNATIVE LIGHTING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with