AG&P patuloy ang ayuda sa Yolanda victims
MANILA, Philippines - Patuloy ang ibinibigay na ayuda ng Atlantic Gulf & Pacific Company (AG&P), isang industrial process outsourcing (IPO) firm para sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa buong bansa sa ilalim ng Project Aspire ng kumpanya.
Nakapaloob sa long term recovery efforts ng AG&P Project Aspire ang pagbibigay ng training at employment program sa mga pamilyang nasalanta ng nasabing bagyo.
Ayon kay AG&P Chairman Jose P. Leviste Jr., na ang Project Aspire na nailunsad noong June 2014 ay nagkakaloob ng scholarship opportunities sa mga underprivileged,young at talented Filipinos.
Ang proyekto ay isang skills-based development program na layong magpamalas ng technical training sa fitting, welding, electrics ng steel fabrication technology.
Ang sasailalim sa proyekto ay magkakaroon ng kakaibang kaalaman na maaring makipagkumpetisyon sa mga obrero sa buong mundo na magbibigay dito ng magandang trabaho at magandang buhay para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya.
Sa testimonya ng isang 19-anyos na nagtapos sa Project Aspire na nang salantahin ng bagyong Yolanda ang kanilang bayan ay inisip na wala nang pagasa para sa kanya at sa pamilya na mahahango pa sila sa kahirapan hanggang sa mapasama siya sa listahan na mag-aaral sa ilalim ng AG&P’s Project Aspire.
Binuo ng Project Aspire ang kanyang mga pangarap at ngayon siya ay nagtatrabaho na bilang full-time electrician sa Ichthys LNG Project.
Ayon pa kay Leviste Jr., na ang proyekto ay nagsisilbing hiring, training at retention program ng AG&P at isang platform para sa mga developing globally employable talent.
Sa ngayon ay may 78 Project Aspire graduates ang nabigyan ng trabaho ng AG&P.
“Ang Project Aspire ay tumatalima sa mahabang panahon ng commitment ng AG&P para sa mga pangangailangan ng mga lokalidad sa bansa,” pagtatapos ni Leviste.
- Latest