^

Police Metro

Tolentino: ‘Regional insurance pool’ itatag

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Talakayin at aprubahan sa APEC 2015 ang isang panukala para magtatag ng “regional insurance pool” upang magamit sa pagtama ng mga kalamidad sa mga kaanib na bansa sa rehiyon.

Ito ang nais na mangyari ni senatoriable Atty. Francis Tolentino, dahil ang mga kalamidad ay hindi isolated na pangyayari na tumatama  sa isang bansa at maaaring makaapekto sa ekonomiya ng mga kapitbahay na bansa. Makatwiran umano na mag-ambagan ng pondo ang mga kaanib na bansa ng APEC na magagamit sa oras ng kalamidad na tatama sa isang miyembro.

Inihalimbawa pa nito ang isang bagyo na hindi lamang tumatama sa isang bansa ngunit dumaraan sa ilang magkakapitbahay na bansa sa Asya Pasipiko na nagreresulta sa pagbaba ng ekonomiya ng mga ito.

Nabatid na kapwa ang World Bank at Asian Development Bank ang humihikayat sa 21-mi­yembrong bansa ng APEC na maglaan ng investment sa “shared disaster risk financing.”

Sinabi ni Ri­chard Poulter ng World Bank, maaaring pagsama-samahin ang pondo ng mga kaanib na bansa at kumuha ng insurance mula sa isang internasyunal na insurance provider.Binanggit pa nito ang Pilipinas na ginagawa ang naturang hakbang sa ilang lalawigan.

Sinabi pa ni Tolentino na tinalakay na rin ang “regional insurance” sa dalawang araw na APEC meeting sa Bacolod City nitong nakaraang Abril at inaasahang tatalakayin rin sa APEC dito sa Maynila.

ABRIL

ACIRC

ANG

ASIAN DEVELOPMENT BANK

ASYA PASIPIKO

BACOLOD CITY

BANSA

FRANCIS TOLENTINO

MGA

SINABI

WORLD BANK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with