Pag-atake ng terorista sa APEC, kumalat sa text
MANILA, Philippines – Matapos ang madugong terror attack sa Paris noong Biyernes ng gabi (Sabado ng umaga sa Maynila) na ikinasawi ng mahigit 150 katao habang nasa 200 pa ang nasugatan ay kumakalat naman ngayon sa mga text messages ang mga mapanakot na banta hinggil sa umano’y planong pag-atake ng mga terorista kaugnay ng isasagawang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit 2015 umpisa ngayong araw.
Kaya’t umapela naman si APEC Security Task Force 2015 Chief P/Director General Ricardo Marquez sa publiko na huwag matakot at magpanik sa likod ng naturang mga dis-inpormasyon o nananakot lamang na mga pagbabanta.
Naniniwala ang liderato ng PNP na mataas ang kumpiyansa ng mga member economies at mga delegado sa ipinatutupad na seguridad para sa buong panahon ng APEC Summit.
Idinagdag pa ni Marquez na mula nang maganap ang serye ng pambobomba at pamamaril sa Paris ay wala silang natatanggap na anumang abiso o kahilingan mula sa kanilang counterparts na kasama ng mga member economies at mga delegado patungkol sa kanilang seguridad.
- Latest