^

Police Metro

Mag-ina na malakas magpatugtog ng karaoke sinaksak ng kapitbahay

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang ina ang nasawi habang ang anak nito ay malubhang nasugatan matapos na sila ay pagsasaksakin ng kanilang kapitbahay na naingayan sa kantahan nila sa karaoke kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City, Cavite.

Ang biktima na nasawi habang ginagamot sa ospital dahil sa saksak sa dibdib ay kinilalang si Neria Recilla, 48, habang malubhang nasugatan dahil sa saksak sa kaliwang hita ang anak nitong si Elpidio Recilla, 27, kapwa residente ng Blk 70, Lot 36, Zone 8, Bautista Pro­perty ng nasabing lungsod.

Agad nadakip ang suspek na si Diogenes Salaudin, 63, may-asawa, kapitbahay ng mag-inang biktima.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-6:00 ng gabi ay  masaya umanong nagkakantahan sa karaoke ang mag-ina kasama ang ibang kamag-anak sa kanilang bahay.

Ilang sandali ay lumapit ang suspek at pinagsabihan ang mag-ina na masyado umanong ma­lakas ang kanilang karaoke at nakakaistorbo.

Dito na nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng suspek at mga biktima hanggang sa kumuha ng patalim ang una at sinugod nang saksak ang mag-ina.

ACIRC

ANG

ATILDE

BATAY

BAUTISTA PRO

BRGY

CAVITE

DASMARI

DIOGENES SALAUDIN

ELPIDIO RECILLA

NERIA RECILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with