P2-M reward sa makapagtuturo sa judge killers
MANILA, Philippines – Magbibigay ng P2-M reward ang mga otoridad sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikaaresto ng dalawang armadong lalaki na nasa likod ng pamamaslang kay Malolos City Regional Trial Court (RTC) Branch 84 Judge Wilfredo Nieves na inambush sa kahabaan ng MacArthur highway sa lungsod ng Malolos kamakalawa.
Sa ulat na ipinarating kahapon sa Camp Crame ni Supt. Arwin Tadeo, hepe ng Malolos City Police, ang P 1.5-M reward ay inialok ng isang concerned citizen na tumangging magpabanggit ng pangalan habang ang karagdagang P500,000.00 pabuya ay alok ng pamahalaang lungsod ng Malolos.
Magugunita na si Nieves ang nag-convict kay Raymund Domingues, isa sa mga pinaghihinalaang lider ng notoryus na carjacking syndicate na nag-o-operate sa Metro Manila at Central Luzon kung saan sinintensiyahan ito ng biktima na mabilanggo ng 30 taon.
Ang grupo ni Dominguez ang responsable sa pagpatay sa car dealer na si Venson Evangelista na sinunog pa ang bangkay noong Enero 2011.
- Latest