AFP sasabit sa P68-M POL products sa Yolanda - COA
MANILA, Philippines – Inihayag kahapon ng Commission on Audit (COA) na mayroon umanong anomalya sa ginawang pagbili ng petroleum, oil at lubricants (POL) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ginamit sa relief at rescue operations para sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda noong November 2013 na may kabuuang halagang P68.65 milyon.
Batay sa record ng COA ang naturang halaga ay bahagi ng P118.65 milyong ng Quick Response Fund (QRF) na naibigay ng Office of the Civil Defense (OCD) sa AFP sa pamamagitan ng isang kasunduan sa pagitan ng dalawang ahensiya noong November 2013.
Sinasabi sa records na sa P68.645 milyon ang P58,162,738.18 dito ay naideposito sa Petron Corporation bilang bayad sa products habang ang natitirang balanse ay bayad sa withholding tax pabor sa Petron Corp.
Ayon sa COA na bagamat ang transaksiyon ay otorisado sa ilalim ng Resolution No. 34-2013 ng Government Procurement Policy Board, mayroon pa ring iregularidad sa pagbili ng POL products dahil ang procurement ay naisagawa sa pamamagitan ng “repeat order” na dapat ipaliwanag ng AFP.
Sinasabi pa ng COA na ang tatlong supplemental contract agreements ay walang undated kayat hindi malaman ng mga state auditors ang actual dates of approval ng procurement.
Bigo rin umano ang AFP na mai-submit ang supporting documents ng original contract para sa POL purchase tulad ng general conditions, special conditions, schedule of requirements, technical specifications, notice of award, at notice to proceed.
- Latest