^

Police Metro

Van nag-overtake: 3 patay

Ed Casulla - Pang-masa

MANILA, Philippines – Minsan pang napatunayan na ang pagmamadali sa kalsada tulad ng pag-overtake ay sanhi ng aksidente tulad ng nangyari sa isang van  na nasalpok ng pampasaherong bus na ikinasawi ng isang ama at dalawa nitong anak at pagkasugat ng maraming iba pa naganap sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. Agdangan, Baao, Camarines Sur kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jose Sabordo Jr. 43, may-asawa; anak na sina Mark Jayson,16; at John Vic , 5.

Nasugatan din ang mga sakay ng van na minamaneho ni Jose na sina  Janine Sabordo, 7; John Michael Sabordo,11; Louie Benosa; Sandy Makahilig, 38; Edilberto Baluyot, 45, pawang mga residente ng Sitio Banase,Pawili, Bula, Camarines Sur at mga pasahero ng bus na sina Ceasar Rayan Baluso, 28; Daniel Sagala, 25; at Aldon Canas, 32.

Sa ulat bago nangyari ang aksidente dakong alas-2:30 ng madaling araw ay sakay ang pamilya Sa­bordo ng Isuzu van (WLC-160) na minamaneho ni Jose at binabaybay ang nasabing highway patungo sa Metro Manila.

Nag-overtake umano si Jose at nasalubong ang paparating na Philtranco bus (AJA – 4870)  na minamaneho ni Dennis Bolabon  na nagulat sa pagsulpot ng van kaya’t hindi na nito nagawang mailagan at nasalpok ito.

Dead on the spot  ang magkapatid na sina Mark Jayson at John Vic habang dead on arrival sa ospital ang ama nila na si Jose.

Nakatakdang kasuhan ng pulisya si Bolabon ng reckless imprudence resulting to multiple homicide at multiple serious physical injuries.

ALDON CANAS

ANG

CAMARINES SUR

CEASAR RAYAN BALUSO

DANIEL SAGALA

DENNIS BOLABON

EDILBERTO BALUYOT

JANINE SABORDO

JOHN MICHAEL SABORDO

JOHN VIC

MARK JAYSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with