^

Police Metro

Opisina ni Rep. Binay sa Makati City Hall, ipinasara

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinondena ni Makati City Representative Mar-Len Abigail Binay-Campos ang kababawan ng liderato ng  Makati City Hall government at pagbu-bully  matapos na ipasara ang kanyang opisina sa city hall.

Ayon kay Rep. Binay na nalaman niya noon nakaraang linggo na ang kanyang opisina ay gagamitin ng acting vice mayor.Bukod pa dito na ang mga staff niya ay nakatanggap ng mga memo at ipinababalik sa kanilang mother unit.

“Ibig sabihin nito ay ipinasara ng bagong lide­rato ng City Hall ang a­king opisina” wika ni  Rep. Binay, anak ni  Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay Rep. Binay, na tatakbong mayor sa 2016, na ipinakita lang ng liderato ng Makati City Hall ang kanilang paghihiganti, pagiging siga at lumabas ang kasinunga­lingan sa sinabi nila na mabuting pamamahala.

“Simple lang ang gusto nilang sabihin,hindi bagong Makati ang kanilang isinusulong kundi sila ang bagong hari. Sa kanilang ginawa, nakalimutan nila na ang diwa ng public service ay hindi ang partido o pa­ngalan kundi ang paglilingkod sa mga taga-Makati,” pahayag ni Rep. Binay.

“Sa tanggapan ko sa City Hall nagpupunta ang mga constituents ng se­cond district kung saan ako ang halal na kinatawan. Dito sila nagpupunta para sa anumang pangangaila­ngan,” dagdag ni Rep. Binay.

“Dahil sa pagsasara ng tanggapang ito, inalisan sila ng liderato ng City Hall ng pagkakataon na dumulog at mapaglingkuran,” wika ni Rep. Binay.

Sinabi pa ng kongresista na kahit sarado na ang kanyang opisina sa city hall ay patuloy ang  kanyang paglilingkod na kanyang ginagawa sa loob ng mahigit siyam na taon.

 

ACIRC

ANG

AYON

BINAY

CITY

CITY HALL

HALL

MAKATI

MAKATI CITY HALL

MAKATI CITY REPRESENTATIVE MAR-LEN ABIGAIL BINAY-CAMPOS

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with