^

Police Metro

5 adik minasaker sa drug den

Boy Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Lima-katao kabilang ang isang menor-de-edad na lalaki na sinasabing mga adik sa bawal na droga ang minasaker matapos pagbabarilin ng mga dikilalang gunmen sa loob ng kanilang nirerentahang bahay na ginawang drug den sa Barangay Sabang, bayan ng Baliwag, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Natagpuan sa loob ng kuwarto ang mga biktimang sina Axel John “Axel” Batac, 21; Angel Romero, 20, ka-live-in ni Batac at kapwa nakatira sa Brgy. Poblacion; Mark Christian Borgonia, 16, ng Brgy. Sabang; Benlee “Kamote” Manaloto, 25, ng Brgy. Virgen De Los Flores; at si Alvin Cruz, 42, ng Brgy. Poblacion sa bayan ng Bustos, Bulacan.

Kasalukuyan namang inaalam pa ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan ng gunmen na tumakas matapos ang krimen.

Base sa ulat ni P/Supt. Enrico Vargas, hepe ng  Baliwag PNP, dakong ala-12:15 ng madaling araw ay nakatanggap ng tawag sa telepono ang himpilan ng pulisya kaugnay sa natagpuang duguang mga biktima na nasa ibabaw ng kama.

Nabatid din na bago madiskubre ang insidente ay nagpunta ang may-ari ng nirerentahang bahay na si Mark Anthony Johnson upang kausapin ang magka-live-in.

Nang pumasok sa bahay si Johnson ay walang nakitang tao kaya nagtuloy ito sa ikalawang palapag kung saan nadiskubre ang katawan ng mga biktima.

Narekober sa crime scene ang dalawang pakete ng shabu, mga drug paraphernalia, isang digital weighing scale,  at sampung basyo ng bala ang cal. 45 pistol.

Ayon sa pulisya, sina Batac at Manaloto ay nasa talaan ng drug watchlist personalities kung saan sinisilip ang anggulong onsehan sa droga ang isa sa motibo kaya pinatahimik ang mga biktima.

 

ALVIN CRUZ

ANG

ANGEL ROMERO

AXEL JOHN

BALIWAG

BARANGAY SABANG

BATAC

BRGY

BULACAN

ENRICO VARGAS

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with