80 pamilya nasunugan ng bahay sa Navotas
MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa 80 pamilya ang nawalan ng tirahan nang tupukin ng apoy ang kanilang mga bahay sa may pier ng Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi nang sumiklab ang apoy sa hilera ng kabahayan
sa may Pier 5, Barangay San Roque na agad itinaas sa Task Force Alpha sa mabilis na pagkalat ng apoy dahil pawang gawa sa kahoy ang mga bahay.
Halos mahigit isang oras tumagal ang sunog bago ito naapula dakong alas-8:48 ng gabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nahirapang makapasok ang mga bumbero sa lugar ng sunog dahil sa makikitid na eskinita na sinabayan pa ng pagkakagulo ng mga residente na nagsagip
ng kanilang mga ari-arian.
Aabot sa higit P1.5 milyon ang halaga ng ari-ariang natupok. Inaalam pa ng mga imbestigador kung saan nagmula ang apoy at ano ang sanhi nito.
- Latest