ERC sinuri ang petisyon na rate increase ng OEDC
MANILA, Philippines – Nagsagawa ang Energy Regulatory Commission (ERC) ng isang public hearing upang suriin ang aplikasyon na isinumite ng Olongapo Electricity Distribution Company (OEDC) para sa pagtaas ng singil nito.
Ipinaliwanag ng OEDC na ang power rate na gamit sa pagsingil nila ay nakabase pa rin sa rate ng dating power operator na Olongapo City Public Utilities Department (OCPUD) na hindi na akma sa kasalukuyang gastusin sa serbisyo.
Ayon sa OEDC na naisakatuparan na nito ang pagsasaayos ng sistema ng power supply sa lungsod tulad ng system loss mula 37% nang i-take-over nito ang PUD ay naibaba sa 8.5% ang ibinababa pa.
Sa kabila ng maraming pagbabago at pagsasaayos sa sistema, ang kasalukuyang distribution rate ay nananatiling P0.62/kwhr na aprubado ng ERC para sa PUD noong pang 2000 na lubhang mababa kumpara sa ibang distribution utilities sa Luzon.
Bagama’t nagpahayag ng pangamba ang mga lider ng bawat organisasyon, residente, at mga negosyante ay sinabi ng ERC na pag-aaralan nilang mabuti ang petisyon at tinitiyak na ang desisyon ay para sa ikabubuti ng magkabilang panig.
- Latest